Hello everyone!
Kumusta kayong lahat!
Gusto kong ipakilala ang aking sarili gamit ang sarili naming lenggwahe ( Though there's a translation below for non-Filipinos). Ako'y bunso sa limang magkakapatid. Ang ama't ina ko'y parehong guro sa isang maliit na paaralan sa probinsya namin. Pero nung ako'y nag-aaral na ang sabi ko sa sarili ko, ayaw kong maging isang guro katulad ng mga magulang ko, kasi laging busy sa trabaho kahit nasa bahay gumagawa pa rin ng ugnay sa kanyang pagiging guro. Kaya kinuha kong kurso nung college ay AB English. Ang sabi ko nun, gusto ko maperpek ang lenggwahe ng mga kano kasi gusto ko mangibang bansa pagdating ng araw. Ngayon hanggang dun palang din ako sa pangarap. Pero alam ko darating ang panahon na makakalipad din ako at mapupuntahan ko din ang iba't ibang mga bansa na gusto kong puntahan. Sinimulan ko munang ikutin ang aming bansa. Simula Luzon, Visayas at Mindanao, napuntahan ko na ang magagandang lugar at tanawin sa amin, at habang andun ako sa mga lugar na yun umiigting ang aking pagmamahal sa aking sinilangang bayan. At tuwinay nasasambit ko ang mga katagang "Salamat Panginoon at ipinakita mo sa akin ang ganda ng Pilipinas!"
p.s. English translation is in the comment section.